Gusali sa Naga, Nasunog sa Gitna ng Peñafrancia Festival

NAGA CITY – NABABALOT ng kalungkutan ang dalawang pamilya sa lungsod ng Naga matapos masunog ang isang residential building sa gitna ng pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Sra. de Peñafrancia.

Batay sa inisyal na report, bandang alas-2 ng madaling-araw ng Linggo nang mangyari ang sunog sa Valentin St., Barangay Sabang.

Sinasabing bigla na lamang ginulantang ang mga residente sa lugar ng malakas na apoy na nagmula sa silid na inookupa ng mag-asawang Pio at Gloria Bardecilla.

Kaagad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Naga City maging ang mga residenteng malapit sa nasabing lugar.

Subalit dahil sa lakas ng apoy, mabilis itong kumalat hanggang sa madamay ang kadikit na silid na inookupa ng pamilya Junio.

Pinaniniwalaan na ang iniwang nakasaksak na electric fan ng pamilya Bardecillas ang pinagmulan ng apoy.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsisiyasat ng BFP kaugnay ng naturang sunog.

Bagama’t walang naiulat na nasugatan o nasawi sa naturang insidente, nangako ng tulong ang lokal na gobyerno ng Naga sa dalawang pamilyang nasunugan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.