Gusali, Gumuho; 1 Kritikal, 4 pa Sugatan

NASA KRITIKAL na kondisyon sa Bulacan Medical Center ang isang construction worker habang apat pa ang nasugatan makaraang gumuho ang halos kalahati ng ginagawang gusali ng STI sa Malolos City kahapon.

Sa ulat na nakarating sa punong tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council mula sa Bulacan  Rescue, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang pagguho ng ikatlong palapag ng gusali na matatagpuan sa kahabaan ng McArthur Hi-way, Brgy, Dakila.

Kinilala ang biktimang si Ricky Watiwat, 37 anyos; habang  nasa ligtas ng kalalagayan ang mga kasamahan nito na sina Rolando Watiwat, 20; PiadopoTereso, 25; Von Jovi Valdez, 21; at Sandy Maticuzo, 24 anyos.

Dahil sa pagguho ng gusali, mistula namang dinaanan ito ng lindol dahil lumaylay ang maliliit na bakal nito.

Ayon sa mga nakaligtas sa trahedya, mahina ang tinatapakang scaffolding kung kaya’t umuga at tuluyang bumigay ang  ikatlong palapag ng gusali.

Nabatid na ipinagbigay-alam nila ito sa on-duty engineer na si Antonio Piomino, subalit hindi umano ito pinansin at  ipinagpatuloy pa rin ang pagbuhos ng semento.

Hanggang sa tuluyang bumigay ang 3rd floor nito, kung saan nahulog ang tatlong construction worker mula sa scaffolding at nabagsakan ang dalawa pang tao na nasa 1st floor.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang project engineer ng naturang building, kung saan pansamantlang ipinatigil ng Malolos City Police ang contruction nito at pansamantalang ipinagbawal ang pagpasok sa loob nito habang nagsasagawa ng  im-bestigasyon.

(TONY  DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.