Guro, patay sa sakal; ibinitin pa sa puno
- Wednesday, July 11, 2012, 1:38
- Isyu
- 152 views
- Add a comment
MATINDING GALIT ang posibleng dahilan sa pagpatay sa isang guro sa pamamagitan ng sakal at pagbitin sa puno sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na si Lawrence Totanes, 27, residente ng Barangay Manguisoc sa bayan ng Mercedes at guro sa Caringo Elementary School.
Natagpuan na lamang na wala nang buhay si Totanes habang nakabitin sa puno ng bakawan sa Barangay Bagasbas sa bayan ng Daet.
Napag-alamang pinatay muna sa sakal ang biktima gamit ang nylon cord bago isinabit sa nasabing puno.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nagpaalam muna ito sa kanyang misis na maglalaro lamang ng basketball hanggang sa hindi na umuwi ng kanilang bahay.
Aminado naman ang pulisya na blangko pa sila sa motibo sa nasabing krimen.
(EUNICE CALMA)