Guro, Nagbigti sa Sobrang Pagod sa Trabaho

HINDI LUBOS akalain ng mga kapamilya ng 30-anyos na high school teacher na seseryosohin nito ang kanyang bantang pagpapakamatay dahil sa hirap na nararanasan sa kanyang trabaho.

Ito ay matapos na magbigti gamit ang nylon chord sa kanyang silid, ang biktimang si Dennies Magtangob ng Barangay Hicming, Virac Catanduanes.

Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima, napag-alaman na alas-8:00 ng umaga habang gumagawa ng kanyang lesson plan ay paulit-ulit na sinasabi ng guro ang kanyang nararanasan na paghihirap at pagod sa kanyang kasalukuyang trabahao.

Hindi naman ito pinan-sin ng kanyang mga kapamilya sa pag-aakalang normal lamang ang ganitong reklamo ng kanilang kapatid.

Samantala, ilang oras lamang ang lumipas, natagpuan na lamang na wala nang buhay ang biktima sa kanyang kwarto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.