Guro na inireklamo ng rape, sumuko

DAHIL  SA tindi ng takot na mapatay sa labas ng kulungan, sumuko sa Alabel Police Station ang isang guro na may kasong Rape dahil sa paggahasa umano ng kanyang estudyante.

Kinilala ito ni Supt. Romulo Estocapio, hepe ng Alabel PNP na si Jose Canillo, Math teacher ng Lun Padido National High School sa Malapatan, Sarangani province.

Ayon sa impormasyon, sumuko ang suspek dahil natatakot na para sa kanyang buhay maliban pa sa napapagod na rin sa pagtatago.

Noong November 2011, lumabas ang Warrant of Arrest laban sa suspek dahil umano sa paggahasa sa kanyang 17-anyos na estudyanteng babae.

Bukod sa kasong rape, nahaharap din sa kasong administratibo ang naturang guro.        (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 9653 stories on this site.

Comments are closed.