Guro, kinatay ng praning na kapitbahay

HINIHINALANG DUMANAS NG ‘temporary insanity’ ang isang lalaki nang saksakin at mapatay nito ang isang babaeng guro sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang inaresto na si Bobby Cerezo ng Bgy. San Isidro.

Lumalabas sa im-bestigasyon na naglalakad lamang ang biktima na si Milagrosa Castillo, residente rin ng nasabing barangay nang biglang harangin ng suspek.

Sa hindi malamang dahilan, pinagsasaksak ni Cerezo ang biktima hanggang sa malugmok ito at tuluyang nasawi bunsod ng dami ng sugat na tinamo.

Patuloy naman ang imbestigasyon kung ano ang pumasok sa isip ni Cerezo para paslangin ang guro.    (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.