Guro at Manugang, Pisak sa Truck

LEGAZPI CITY – PATAY ang isang guro matapos na araruhin ng isang truck ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Purok 1, Lidong, Sto. Domingo, Albay.

Kinilala ang biktima na si Evelyn Pineda, 54, residente ng Brgy. Calayucay at nagtuturo sa Sto. Domingo National High School.

Binawian habang ginagamot  ang manugang nitong si Crisanto Badrina y Murillo, 29, na siyang driver ng motorsiklo.

Sa ulat  ni PO1 Reynaldo Valenzuela ng Sto. Domingo Municipal Police Station, binabaybay ng mga biktima ang daan papuntang Legazpi nang biglang makasalubong nila ang isang truck na minamaneho ni Arnel Doploso na mula sa Pilar, Sorsogon, hanggang sa mawalan ng preno at araruhin ang kanilang sasakyan.

Napag-alaman na anumang araw ngayong linggo, manganganak na ang asawa ng biktima. Halos hindi nito matanggap ang nangyari sa kanyang ina at asawa na sabay nawala sa kalunus-lunos na pangyayari.

Samantala, nakilala naman ang driver subalit agad din itong nakatakas matapos ang insidente at hanggang ngayon ay patuloy na pinaghahanap.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.