Gun Owners, Binalaan ng PNP sa Pinahigpit na Gun Control Law

BUMUO NA ng technical working committee ang Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) para bumalangkas ng implementing rules and regulation (IRR) ng Republic Act 10591 o pinahigpit na Gun Control Law.

Ayon sa firearms and explosives division office na mas magiging mahigpit ang naturang bagong batas.

Sinabi ni PNP Chief Supt. Raul Petrasanta ng PNP-FEO na sa ilalim ng bagong batas dapat nang ipa-renew ng mga gun owner ang kanilang mga baril anim na buwan bago mapaso ang kanilang rehistro.

Sakaling mabigong sumunod sa panuntunan, kukumpiskahin na ng PNP ang mga baril na hindi napa-renew at ipapawalang bisa ang mga lisensya ng gun owner.

Samantala, dalawang taon ang magiging bisa ng mga lisensya ng mga may-ari ng baril habang apat na taon naman para sa rehistro ng baril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.