‘Gun for Hire’ Group Vs Mga Pulis; 4 Patay

APAT ANG nasawi matapos magkasagupaan ang puwersa ng Manila Police District (MPD) at hinihinalang gun for hire group sa Baseco Compound sa Port Area kahapon ng umaga.

Sinabi ni MPD Chief Supt. Alex Gutierrez na napatay ng kanyang mga tauhan ang apat na miyembro ng grupo matapos ang follow-up operations.

Aarestuhin sana ang apat ngunit nanlaban umano ang mga ito.

Napag-alamang dalawang bata, edad walo at 10, ang tinamaan ng ligaw na bala kamakalawa ng gabi nang bigla na lamang umanong magpaputok ng baril ang mga napatay na salarin. Hindi pa naman tukoy ang kinalaman nito sa pagdakip sana sa apat.

Wala pa namang pagkakakilanlan ang apat na namatay na pawa uma-nong mga dayo sa nabanggit na lugar.

Samantala, narekober sa lugar ang dalawang kalibre .45 at kalibre .38 na baril.

Sugatan din sa nasabing engkuwentro kahapon ng umaga ang isang tanod ng barangay na kinilalang si Jonrey Cabual.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.