Gun Ban Nananatili sa Davao City

 

NAGPAPATULOY ANG pagpapatupad ng gun ban sa Davao City hanggang matapos ang selebrasyon sa Kadayawan Dabaw Festival.

Ito ang kinumpirma ni Col. Marcos Norman Flores, hepe ng Task Force Davao na epektibo ang gun ban hanggang August 31.

Gayunman, aminado si Flores na bagaman epektibo ang gun ban ay may lumalabag pa rin at katunayan nito ay dalawa ang ina-resto sa checkpoint sa Brgy. Sirawan habang may tatlo ring dinakip ng Toril Police at Davao City Police

“As of now, there are five gun-ban apprehensions made and currently facing charges in court,”  ayon kay Flores.

Samantala, tiniyak ni Flores na 1,000 sundalo ang idineploy sa pagdiriwang upang matiyak ang kaligtasan sa nasabing okasyon.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.