Gun Ban Hanggang sa Susunod na Buwan pa

NAGPAALALA ANG Philippine National Police (PNP) sa mga gunowner na hindi pa rin lifted ang gun ban at mananatili ito hanggang sa susunod na buwan.

Sinabi ni PNP Spokesman C/Supt. Generoso Cerbo na tuluy-tuloy pa rin ang mga checkpoint operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa at isa sa target nila ay ang mga posibleng lumabag pa sa pinaiiral pa ring gun ban.

Base sa talaan ng PNP, nasa mahigit tatlong libo ang lumabag sa nasabing Comelec ruling.

Samantala, lifted na ang liquor ban matapos na ipatupad ito kamakalawa hanggang kamakailan kaya’t maaari na aniyang magbenta ng inuming alak simula kahapon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.