Gun ban application, tuloy pa

SINABI NG Commission on Elections (Comelec) na karamihan sa mga gustong mag-renew ng gun ban exemption para sa barangay elections sa darating na Oktubre 28 ay mga security agency.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, base sa rekord noong Setyembre 18, tumanggap ang komisyon ng 21 aplikasyon para sa renewal ng gun ban exemption mula sa mga security agency.

Ang iba pang grupong nag-apply ng renewal, aniya, ay mula sa mga law enforcement agency at security details.

Samantala, inihayag  pa ni Jimenez na tinatanggap din ng Comelec Committee on Gun Ban ang mga bagong aplikasyon para sa gun ban exemption.

Maaalala na nakasaad sa Resolution No. 9735 ng Comelec na “Gun ban exemptions issued in connection with the May 13, 2013 National and Local Elections shall be recognized as valid for purposes of the October 28, 2013 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.