Gumawa ng milagro sa sementeryo, kalaboso

DAHIL SA kagustuhang isalba ng isang babae ang sarili sa kahihiyan, inakusahan ng una ang kanyang nobyo na rapist nang mahuli ang mga ito na gumagawa ng milagro sa malapit sa Forest Lake Cemetery, Sultan Kudarat.

Habang rumoronda u-

mano ang mga awtoridad, nakarinig sila ng impit na pag-ungol sa ‘di kalayuan sa nasabing sementeryo at doon nila naaktuhan na nagtatampisaw sa kaligayahan ang magnobyo kung kaya’y dinakip nila ang mga ito.

Subalit sa sobrang kahihiyan ng babae, ipina-labas nitong ginagahasa siya ng lalaking katalik, na agad din namang nagpakita ng interes upang kasuhan ang lalaki pagdating ng mga ito sa presinto.

Laking pagtataka naman ng lalaki kung bakit siya inaakusahang rapist ng kanyang nobya samantalang wala umanong sapilitan na ginawa nila ang bagay na iyon.

Kinalauna’y pinawalan din ang lalaki matapos hindi na magpakita pa sa presinto ang babae.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.