Gumagawa ng Lapida, Pinatay

PATAY ANG isang gumagawa ng lapida matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sakay ng Revo habang ang una ay naglalakad kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo si Helmi Repiso, 44, ng 4th Avenue ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7 ng umaga, naglalakad malapit sa kanilang bahay ang biktima nang hintuan ng maroon na Revo na hindi na nakuha ang plaka bago binaril ng sakay si Repiso.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC kung saan nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis para alamin ang motibo sa nasabing krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.