Gumagamit sa Pangalan ni Comelec Chairman Brillantes, Tinawag na ‘Moron’

TINAWAG NA mga “moron” ni Comelec Spokesman James Jimenez ang mga nasa likod ng paggamit ng pangalan ni Chairman Sixto Brillantes Jr. upang ma-ngolekta ng salapi sa ilang mga pulitiko.

“Some conmen are using Comelec Chairman Brillantes’ name to solicit funds from politicians. What morons,” aniya ni Spokesman Jimenez.

Pahayag ni Jimenez, may budget ang kanilang ahensiya mula annual national appropriations. Kailanman, hindi sila nanghingi ng pondo para sa anumang proyekto. Hindi rin umano nagkukulang ang kanilang panggastos para sa materyales na kakailanganin sa 2013 election at patuloy ang kanilang bidding at pagbili para rito.

Pinaiimbestigahan na ng Comelec kung sino ang nasa likod nito upang masampahan ng kaso.

“To all politicians/party-list reps, I am not making any calls asking for donation/solicitation/assistance. PLEASE DO NOT ENTERTAIN,” pahayag ni Brillantes sa kaniyang Twitter account.

Matatandaang inakusahan ang ilang commissioner ng Comelec na pinapasok sa listahan ng papayagang tumakbo sa halalan ang isang disqualified na party-list group. Agad din namang naabsuwelto ang mga nabanggit na opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.