Gulong-gulo raw kasi ang pag-iisip Ramona Revilla, sadyang pinaalis sa bansa?!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Mapapa-yes ka talaga at mapapa-no ka sa mga bonggang-bonggang chikahan. Siyempre dahil bonggang eksena na naman tayo to the maximum authority of chikka.!

Kumustahin naman natin itong si Jennylyn Mercado. Bakit kaya nali-link sa ngayon sa dalawang lalaki at two-timer pa raw ang tawag sa kanya?

Hindi natin masisi ang mga masasabi ng mga madlang people dahil kahit naman ano siguro ang gawin ni Jennylyn, okay lang, dahil single naman daw siya. Mas magiging maganda siguro kung huwag naman masyadong obvious ang pagiging close sa dalawang lala-king ‘yun, ‘di ba? Nakakaloka!!!

 

ANYWAY, KUMUSTAHIN NAMAN natin ang naging case about Ram Revilla at ang pag alis ni Ramona Revilla. Naku, alam n’yo ba na kung sino ang nagpaalis kay Ramona?

Dahil nag-text sa akin ang kanyang lola, na kung natatandan n’yo noon, meron akong talent na talaga namang napakaganda at dalaga pa siya noon. At after ilang months, after niyang magpa-interview sa akin ay may asawa na pala siya.

Heto na nga ang chikka na ang nagpaalis pala kay Ramona ay si Gail. Nakakaloka, ‘di ba? At ang nag-escort kay Ramona ay ang asawa ni Gail na taga-Hong Kong. Pero nu’ng tanungin ko naman itong si Gail, hindi inaamin sa akin, kaya para maniwala kayo, meron namang mga text message sa akin.

Kaya lang siyempre, ang pag-alis niya ay inakusahan naman siya ng guilty. Hindi natin siya masisi, dahil mahirap din ang kalagayan nu’ng bata. Namatayan na siya ng kapatid at isa siya sa mga suspek. Kaya naisip na lang muna nilang paalisin ng bansa, baka-sakaling pagbalik niya ay maging okay na ang pag-iisip niya.

Heto naman ang sinasabi ng karamihan, dahil marami ding nagsasabi na natatameme nga raw si Sen. Bong Revilla sa kaso matapos mailibing si Ram, ang aking anak-anakan.

Kung napapakinggan n’yo lang ako lagi sa programa ko, naibuking ko na lahat ang mga naganap na eksena sa akin, pero heto na nga ang mas magiging maganda, ang eksena nila, kung ang dalawang part ng family ay hindi na lang magsasalita sa media at asikasuhin nila nang matahimik ang kaso ng kani-lang kamag-anak para maging maayos ang lahat, ‘di ba?

 

BLIND ITEM: SINO siya? Sino naman kaya itong hunk actor na ito na nag-chek in sa SEQUIA INN sa Davao Room 202 at gumamit pa ng ibang pangalan? Eh, sila lang naman talaga ‘yun!

Nakakaloka naman dito sa hunk actor na ito ay napaka-wild naman ‘te… dahil umorder pa siya ng 11 condoms. Naku, ‘te… hindi ko kineri ang powers niya!

Baka naman maging lantay gulay siya niyan after ng kemehan nila… haha! Nakakaloka!

 

AT PARA SA bonggang detalye, makinig kayo for more chikka more fun na naman to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly, Monday to Friday, 11:30-12:00 nn sa DWSS 1494 KHZ at bonggang online streaming dwss-am.mellow947.fm. Every Saturday naman mapapa-kinggan ako sa Europe at sa online streaming i-type n’yo lang ang PINOYUKRADIO… At every Sunday naman ay sa DZRHTV 2:30-3:30 pm at sa mga online streaming naman  www.dzrhtv.prepys.com GODBLESS US ALL… BADJAO!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Gulong-gulo raw kasi ang pag-iisip Ramona Revilla, sadyang pinaalis sa bansa?!

  1. as of now I cannot say kung talaga guilty sya, sino ba namang kapatid ang gustong mAgpapatay sa sariling kapatid, but evidence are already there , sana d nalang sya umalis para d sya pagisipan ng masama kung talagang d sya guilty?…….
    +

  2. gulong gulo isip nya kasi di nya akalain na mabubuhay ung girlfriend? iba ang plano nilang getaway. kung siguro namatay, papalabasin na galing silang lahat sa baguio. kaso may nakakita. dun pa lang sa guard ng bf, obvious na di sila naghanap ng tulong. instinct mo is to be frantic and find help right away. but not with ramona and her brother.

Leave a Reply

Your email address will not be published.