Gulong Gretchen Barretto at Claudine Barretto, buhay na naman

Gretchen-Barretto-Claudine-BarrettoMABUBUHAY NA naman itong gulo nina Claudine Barretto laban sa mga kapatid niya dahil sa ginawang pagtulong ni Gretchen Barretto sa kasambahay ng una na makalabas ito ng kulungan.

Noon pa man ay tumulong na si Gretchen sa ipinakulong ni Claudine na kasambahay dahil hindi raw sila naniniwalang magawang nakawan siya.

Kasi naman nagsalita rin si Raymart na hindi raw totoo ang mga ibinintang ng asawa niya kaya tinulungan nga ito ni Gretchen.

Siyempre, alam naman natin kung bakit tinulungan ito ni Gretchen. Matindi na ang galit nila sa isa’t isa kaya ganu’n na nga ang nangyari.

Naku, day! Kung may maitutulong din si Gretchen para mapunta kay Raymart ang custody ng kanilang mga anak, gagawin niya ito.

Kaya hintayin na lang natin kung ano ang sasabihin ni Claudine kaugnay rito.

Simula na naman ng gulo ng pamilya Barretto. Abangan na lang natin.

Balik-hearing na naman sila, eh! Kaya magkakagulo na naman ang media sa city hall ng Marikina.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Gulong Gretchen Barretto at Claudine Barretto, buhay na naman

Leave a Reply

Your email address will not be published.