Guji Lorenzana, pag-amin na lang ni Kaye Abad ang hinihintay

LAST WEDNESDAY NIGHT, nagyayang kumain at uminom si Ronald Carballo sa Gerry’s Grill near ABS-CBN para makapag-relax sa maghapong trabaho. Dumaan sa harapan namin si Wendy Valdez nang gabing ‘yun, tipong wala sa sarili kasama ang isang kaibigang babae. Binati ko sa pag-aakalang kilala niya na ako dahil sa maraming beses na naming encounter sa isa’t isa. In fairness to her, bumati naman  na parang maraming iniisip nang mga sandaling ‘yun. Akala namin magdi-dinner lang sila dahil kilala ang resto-bar sa sarap ng Pilipino dishes. Bukod dito, may libreng pulutan (four choices) pa kapag nag-order ka ng eight bottles of beer.

Sa smoking area pumuwesto si Wendy kasama ang kaibigan na abot-tanaw lang sa aming kinauupuan na salamin lang ang pagitan. Paminsan-minsan, sumusulyap kami sa kinaroroon nila at naghihintay kung sino pa ang darating. Mukhang problematic ang dalaga nang gabing ‘yun, panay ang tungga ng beer sa bote with matching buga ng kanyang sigarilyo.

Emote to death si Wendy sa kanyang kaibigan, hindi nga lang namin naririnig ang kanilang pinag-uusapan. Hindi kaya nagkakatampuhan sila ng dyowa niyang si Will Devaughn kaya naisipan nitong uminom, or baka nag-break na sila?  Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan namin na gustong magkaroon agad ng kasagutan. Agad naming tinanong ang waiter kung anong brand ng beer ang kanilang iniinom, cerveza negra pala!

Expected naming darating si Will para sunduin at alalayan ang girlfriend na si Wendy na nakainom na o kaya nama’y makipag-jamming sa mga ito na nasa ABS lang nang gabing‘yun. Ilang oras ang lumipas, nag-alisan na ang mga tao, walang Will na dumating. Hanggang sila na lang ang naiwan sa smoking area, around 2 A.M. ng madaling-araw, closing time na nang umalis ang magkaibigan. Halos magkakasabay lang namin nilisan ang nasabing lugar.

Nang papalabas na sina Wendy sa Gerry’s Grill, walang bakas na nakainom ito. Maayos itong naglakad, dalang-dala ang kanyang sarili na parang hindi nakainom. Saludo kami, beer pa nga!

DIRETSONG INAMIN NI Guji Lorenzana na dibdiban ang ginagawa niyang panliligaw kay Kaye Abad. Naka-recover na nga ang dalaga sa ex-boyfriend niyang si Chito Miranda (vocalist ng Parokya ni Edgar) kaya masaya siya ngayon sa relationship na mayroon sila ni Guji. “She knows I like her a lot, matagal na akong naghihintay, kaya I think my chance naman ako,” bungad ng TVC model-turned DJ.

Ang pagiging simple ni Kaye ang nagustuhan ni Guji sa dalaga. “Kahit nasa showbiz siya, hindi siya showiz sa maraming bagay. Wala nga siyang Facebook, she’s a very private person kaya lalo ko siyang nagustuhan.

“Hindi siya ‘yung ibang artista na maarte, demanding…. When you look at her, what you see is what you get. She’s really down to earth and masarap siyang kasama at mabait,” say niya.

May sariling style sa panliligaw si Guji na nagustuhan ni Kaye. Mahilig magregalo ang singer-actor kahit walang okasyon. “Opo, kailangan. I think every guy naman kahit bago o matagal na kayo, kailangang binibigyan mo pa rin ng gift ang girl. Kailangang ma-feel ng girl how important she is sa buhay mo. I like to buy things, small things.”

Sa pagsasalita ni Guji, tipong malapit na siyang sagutin ni Kaye. Maging ang dalaga, naging vocal din ito sa tunay niyang nararamdaman sa binata. Inamin ni Kaye na malaki ang chance na maging sila ni Guji kung makapaghihintay ang binata. “Sa States kasi, we never talk about that, nagde-date lang kayo… I think, one day I’ll ask her if ever there is a time. I think today’s time, ganu’n na, ‘di ba? Malalaman mo naman, you feel it naman sa heart. Ang feeling ko, if ever I wait, baka may something … I’ll just wait na lang for the right time na sabihin niyang kami na,” excited na tsika ni Guji na miyembro ng Voizboys.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Guji Lorenzana, pag-amin na lang ni Kaye Abad ang hinihintay

Leave a Reply

Your email address will not be published.