Guingona: Senate hearing, ‘di magiging circus

TINIYAK NG pamunuan ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi magiging circus ang pagdinig sa pork barrel fund scam sa pagdalo ni Janet Lim-Napoles sa Nobyembre 7.

Sinabi ni Chairman Senator TG Guingona na, “The way I conduct hearings, it has never turned into a circus. As long as it is under my watch, it will never be a circus.”

Tiniyak ng mambabatas na magiging patas ang komite kay Napoles at makikinig sa mga sasabihin ng negosyante.

Bukas din siya sa posibilidad na igiit ni Napoles ang kanyang right against self-incrimination tulad ng sinabi ng abogado nitong si Lorna Kapunan.

Aminado rin si Guingona na hindi nila maiko-contempt ang akusado saka-ling gawin ito.

Gayunman, umaasa pa rin ang senador na magsasalita si Napoles para marinig ng taumbayan ang panig nito sa ipinupukol sa kanyang P10 bilyong pork barrel fund scam.

May limitasyon din naman aniya ang karapatan ni Napoles.

Samantala, ikinatuwa naman ng mambabatas ang pagpayag ng Makati City Regional Trial Court (RTC) na dumalo ang itinuturong utak ng scam sa Senate hearing.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.