Guingona, hiling ang privacy sa pagkamatay ng pamangkin

NAGLULUKSA NGAYON ANG pamilya Guingona sa pagkamatay ni Mark Guingona matapos na tumalon mula sa ika-31 palapag ng gusali sa Alabang, Muntinlupa kahapon ng mada-ling-araw.

Mayroon umanong personal na problema ang kanyang pamangkin na maaaring dahilan ng pagtalon nito sa gusali, ayon kay Sen. Teofisto Guingona III.

Kasabay nito ay hiniling ng pamilya Guingona na hayaang maging pribado sa pamilya ang pagkamatay ng apo ni dating Vice President Teofisto Guingona, Jr.

“In times like these, our family hopes that we can, mourn, go through and process the pain of this tragic experience in private. We also hope that Mark would be allowed his own privacy in his last moments,” ani Sen. Guingona.

Ayon naman kay SPO2 Cris Manuel, ang unang rumesponde sa pangyayari, natagpuan na lamang na nakabulagta ang 20-anyos na si Mark sa harap ng Vivere Hotel.

Galing umano ng inuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang tumalon ito sa nasabing gusali. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.