Guesswhodoes: Ryza Cenon does the ‘uhaw na uhaw’

Si Ryza Cenon ang itinanghal na ultimate female survivor ng second season ng Starstruck kasama si Mike Tan. Madaming humanga sa angkin niyang galing sa pagsayaw kung kaya’t tinawag siyang “Bad Girl ng Dancefloor” ng kanyang mga katrabaho. Lumabas din siya sa iba’t ibang Kapuso shows kapares ang ilan sa mga sikat na actors tulad nina Mark Herras, JC De Vera at ang namayapang si Marky Cielo.

Teka, nasaan na nga ba si Ryza ngayon? Namataan ng aming ka-parazzi ang magandang bagets na ito sa isang event para sa mga mahilig sa cosplay. Bigla namin naalala na hindi nawawala ang beauty ng Angel Locsin look-alike na ito sa telebabad block. Ano na ba ang plano ng GMA-7 para kay Ryza? Huli siyang napanood bilang bulag na iniibig ni Mark Herras sa Joaquin Bordado. Palagi pa rin humahataw si Ryza sa dance floor ng SOP pero mukhang hindi na humahataw nang todo ang kanyang karir. Kailan kaya siya mabibigyan ng bonggang-bonggang break?

Guesswhodoes
by Mica Rodriguez

Related Post

loading...

One thought on “Guesswhodoes: Ryza Cenon does the ‘uhaw na uhaw’

Leave a Reply

Your email address will not be published.