Guesswhodoes: Ryan Yllana does the “dancing cowboy!”

Talagang nakakaaliw itong kapatid nina Anjo Yllana at Jomari Yllana. Hindi man kasing sikat ng kanyang mga bro itong si Ryan Yllana, nakilala naman siya sa sarili niyang identity. Komedyante na ring maituturing itong si Ryan. Hindi pa man siya nagiging bida, aliw na aliw naman ang mga manonood sa kanya. Effortless kase siyang magpatawa. Swak na swak nga ang tandem nila ni Joey de Leon sa Takeshi’s Castle.

Sa sobrang kyut, parang bata lang na masarap kurut-kurutin sa pisngi si Ryan. At sino’ng nagsabi na mahirap gumalaw kapag chubby ka, aber? Eh kita n’yo nga itong si Ryan, go go go lang sa pagsasayaw. Pero ‘wag masyadong challenging ang steps, huh! Madali kasing mapagod ang ating bida eh.

Ni Jean Oli, Photos by Luz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.