Guesswhodoes: Mike Tan does the ‘Kargador’

Back on track na ang Starstruck II ultimate male survivor na si Mike Tan. Kasali ang guwapong aktor sa Rosalinda bilang si Rico, ang makisig na lalaking iibigin ni Florencio na ginagampanan ni Roderick Paulate. Sa wakas ay nabigyan muli ng break ang binata sa GMA Telebabad.

Bini-build up na noon ng Kapuso network ang tambalan nina Mike Tan at LJ Reyes, ngunit hindi na ito itinuloy nang mag-break ang dalawa sa tunay na buhay. Hindi nag-disappear ang beauty ng dalaga sa TV pero si Mike naman ay tila nawala na parang bula.

Kasali nga rin pala si Mike Tan sa indie film na Marino. Paniguradong papanoorin ito ng mga tagahanga niya, pero weytaminit! Ano itong nakunan ng ating kaparazzi na tila nagpapaka-kargador itong si Mike?

By Mica Rodriguez

Photos By Luz Candaba

Click to enlarge.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.