Guesswhodoes: Melissa Mendez does the “Peace of Mind”

RENEWED NGANG MASASABI ang kasalukuyang buhay ng single mom at magaling na aktres na si Melissa Mendez na huling nakita sa pelikulang Pasang Krus.

Matapos ang masalimuot na kabataan, nalampasan na nga raw ng aktres ang pasaway stage ng kanyang buhay. Hindi naman kasi itinatanggi ni Melissa na noong kanyang kabataan at kasikatan, lagi siyang naghahanap ng lalaki na sa tingin niya ay kukumpleto sa akala niya noon ay incomplete n’yang buhay. Hindi rin niya itinatago ang katotohanang iba-iba ang ama ng kanyang tatlong naggagandahang mga anak.

Supporting roles ang karaniwang raket ngayon ni Melissa, but she is still thankful dahil parte ito ng blessings ng Panginoon. True enough, nagawa niya at ng ate n’yang si Glenda Garcia na mag-produce ng indie film na Hilot.

And to prove that she’s really at peace despite the noise around here, check n’yo na lang ‘tong mga kuha ang ating kamerang-gala – si Melissa in different yoga positions sa Amanda Marga Yoga Center. Ano kaya’ng ini-internalize niya to perfect the positions?! Hmmm…

Guesswhodoes
by Mayin de los Santos

Click to enlarge.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.