Guesswhodoes: Kris Bernal does the ‘dramarama’

Photos by LUZ CANDABA
by Jean Oli

Aba, mukhang bumobongga ang career nitong si Kris Bernal ngayong taon, huh! Kung pa-support-supporting roles lang ang drama dati nitong si Kumareng Kris, aba ngayon, keribels na niyang magkaroon ng lead roles noh. Aba, sinong mag-aakala na ang pagkakaroon niya ng baby face at tweetums image ay pwede rin palang maging isang dramatic actress? Korek mga kaparazzi! Dahil si Kris nga ang pinakabagong aabangan sa Dramarama sa Hapon.

Siyempre, super mega happy ang lola Kris n’yo dahil sa wakas, meron na siyang matatawag na sarili n’yang soap kasama ang ka-loveteam na si Aljur Abrenica. At take note mga kaparazzi, siya lang naman ang gumaganap ngayong Myrna na dating role ni Megastar Sharon Cuneta sa pelikulang Dapat Ka Bang Mahalin? Tsika nga, napi-pressure itong si Kris dahil naging Famas Best Actress nga naman si Mega sa movie version nito.

Mukha namang walang dapat ikabahala itong si Kumareng Kris, dahil ang isa pang tsika, humahataw raw ang kanyang soap sa Dramarama sa Hapon, huh! Pero kelan naman kaya aakyat to the next level ang kanyang acting – na tipong pang-Primetime na?

loading...

4 thoughts on “Guesswhodoes: Kris Bernal does the ‘dramarama’

  1. hello aLkrisians hello din ate kris en kua aljur para po sabihin ko sa inyo isa lang po ako sa libolibong tagahanga ng loveteam nyo..haha sana po lalo pang tumagal ang loveteam nyo i love you so much alkris…

  2. i really like the tandem, im a solid Kapamilya but for the afternoon show, i go for DAPAT KABANG MAHALIN, i like the story, i like the Kris n Aljur.. eehhehehe…

    Kris n Aljur deserve a break cz wer very used of seeing Ding-dong n Marian with sooo much exposure on TV.. seems like theres no other stars in GMA, well i think wla na tlaga.. in our dialect, they are “sumo” or monotonous and all my friends feel so yucky every night of seeing them, always them!

    unlike ABS-CBN, youll get variety of stars, different flavors of the day, month n they all remain in their places..

    sa style ng GMA, eventually malalaos ang mga stars nila…lol

    • Wish ko na magpakatotoo lang kyo sa amin ng fans nyo kung ano talaga status ng relasyon nyo kung talagang magkaibigan lang eh syempre kalungkot. But we are still luv u!

Leave a Reply

Your email address will not be published.