Guesswhodoes: JC De Vera & Valerie Concepcion does the ‘balikan’

Sina JC De Vera at Valerie Concepcion ang dating magkatambal sa youth-oriented show na Click. Matatandaang sa nasabing palabas ng Kapuso network unang nag-umpisa bilang teenstars ang dalawa kasabay ng ilang mga sikat na bituin ngayon tulad nina Angel Locsin, Iya Villania at Jake Cuenca, na tila mas umariba ang mga karir nang lumipat sa lungga ng mga Kapamilya.

Naging maingay ang pangalan ni JC De Vera noong nakaraang buwan dahil naipit siya sa word war ng kanyang manager at ng isa sa mga executive ng kanyang home network. Buong akala ng karamihan ay tuluyan na itong magoober da bakod.

Nakunan ang mga sumusunod na larawan nina JC at Valerie sa isang parada ng mga bituin. Hindi natin maipagkakaila na may chemistry talaga ang dalawa. Si Valerie ngayon ay mas kilala bilang isang magaling na host at paboritong cover girl sa mga magasin. Si JC naman ay isa na sa mga leading man at kinakiligan ng mga manonood ang tambalan nila ni Rhian Ramos sa La Lola.

Nakapag-desisyon ang kampo ni JC na tapusin ang kontratang pinirmahan nito na mawawalan na ng bisa sa susunod na taon. Kung sakaling natuloy ang paglipat ni JC, hindi ba’t magandang ideya kung pagsamahin muli sila ni Valerie sa isang tv show o pelikula? Ano sa palagay ninyo?

Guesswhodoes
by Mica Rodriguez

loading...

3 thoughts on “Guesswhodoes: JC De Vera & Valerie Concepcion does the ‘balikan’

Leave a Reply

Your email address will not be published.