Guesswhodoes: Jake, Kim and Gerald do the ‘triple rampa’

Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi ang tatlong bida ng leading teleserye sa primetime na Tayong Dalawa ang rumampa nang magkakasabay sa katatapos lang na Philippine Fashion Week. Mahigit dalawang taon na ring endorsers ng Bench ang tatlo kung kaya’t madalas natin silang makita sa mga print ads at billboards bilang mga modelo.

Hindi mapigilan ng mga tagahanga at manonood ang tumili nang lumabas ng sabay-sabay sina Gerald Anderson, Kim Chiu at Jake Cuenca. Patunay lamang ito na hindi lamang sila sa telebisyon tinatangkilik ng manonood, kundi maging sa pagra-rampage! Halika at sulyapan natin ang mga larawang nakunan ng ating rampadorang kamerang-gala.

Tila kahit sa catwalk, may namumuo pa ring tensiyon sa tatlo, pero okay lang ‘yun. Ang importante, extended ang kanilang telenovela at patuloy pa rin nilang pinatutumba ang kabila! Triple hotness and drama on-stage for the win!

Guesswhodoes
by Mica Rodriguez, Photos by Luz and Yomen

Click to enlarge.

loading...

One thought on “Guesswhodoes: Jake, Kim and Gerald do the ‘triple rampa’

Leave a Reply

Your email address will not be published.