Guesswhodoes: Gerald Anderson does the “ihing-kalye”

Walang duda, isa si Gerald Andersona sa mga most-prized talents ng Kapamilya network. Mula sa kanyang PBB teen edition experience, sumugal sa kanyang kakayahan ang nasabing network. Kita n’yo naman ang resulta, aba’y pwedeng-pwede na ngang ihanay itong si Gerald sa mga leading men ng Dos. Sey nga ng ilan, lumalabang pang-Best Actor ang akting ng lolo mo sa Tayong Dalawa. Kaya naman hanggang ngayon, umaariba pa rin ng bonggang-bongga sa ere ang teleseryeng pinagbibidahan nila nina Kim Chiu at Jake Cuenca.

Pero teka, teka, teka! Ano itong naispatan ng ating pagala-galang parazzi photog, huh?! Si Gerald, hindi na napigilan ang ihi at hayun, sa tabi na lamang ng kanyang red car naglabas ng sama ng loob? Ooops hindi pwedeng magkailang hindi si Gerald ‘yan, huh! Naku naman kase, masyado bang ninerbiyos itong ating bida? Ninerbiyos saan?! Ibinigay na ba ni Kim ang kanyang matamis na OO, kaya bigla na lang napaihi si Fafah Gerald at hindi na kayang ihabol sa tamang palikuran? Naku Gerald, buti na lang hindi ka nahuli ng MMDA, anoh?

Guesswhodoes
by Jean Oli

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

6 thoughts on “Guesswhodoes: Gerald Anderson does the “ihing-kalye”

  1. umihi ba talaga yan..parang imposible.naku kahit anong sakit na ng tiyan ko pipigilan ko ..i will never pee close to my car…

Leave a Reply

Your email address will not be published.