Guesswhodoes: G Toengi does the “plate mask”

Naging aktibo rin noon ang showbiz career ni G Toengi. Sa katunayan, nang madiskubre siya sa isang mall, pasok agad ang beauty niya sa pioneer batch ng Star Circle na ngayon ay Star Magic na. Bukod sa pag-arte, naging host, VJ, model, singer at dance diva itong si G. Nang magpakasal siya noong 1995, goodbye showbiz na siya dahil sa States na sila nag-settle down ng napangasawang si Tim Walters.

Pero noong nakaraang buwan, balik ‘Pinas ngayon ang hot momma. Nag-appear na ang beauty niya sa ilang shows ng Dos. Mapapanood din siya sa isang episode ng Maalala Mo Kaya. Pero hindi naman daw ito hudyat ng kanyang pagbabalik-showbiz. Ilang buwan lang daw ang ilalagi ni G rito sa ‘Pinas. Naispatan nga namin ang kanyang beauty sa 40th day ng pagkamatay ni Douglas Quijano noong July 23, sa Club Filipino. Infernezz naman, maganda pa rin ang lola n’yo. ‘Yun nga lang, medyo lumaki ‘ata siya nang konti. Konti lang naman.

Guesswhodoes
by Jean Oli

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.