Guesswhodoes: ALFRED and IZA do the ‘Uhawan at Selosan sa Beach’

Una natin nasilayan ang tambalang Alfred Vargas at Iza Calzado sa napakadrama at napakasalimuot na telenobelang Impostora. Madami ang nabitin sa kanilang pagsasama kung kaya’t nagkaroon sila ng reunion sa Philippine adaptation ng koreanovelang All About Eve, kung saan kasama rin nila sina Mark Anthony Fernandez at Sunshine Dizon.

Si Alfred Vargas ay masaya ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend na nag-aaral sa abroad. Kasali rin ito sa Cinemalaya entry na Colorum. Si Iza Calzado naman ay nakipag-break kamakailan sa kanyang dating jowa. Huli ring napanood si Iza Calzado sa Fuschia at Bente na parehong kasali sa Sine Direk.

Mukhang masayang-masaya naman ang dalawa pagdating sa kanilang karir. Hindi rin naman nagpapatalo sa ratings ang kanilang telenobela. Panalo pa rin kaya sila sa larong volleyball? Kaya ba nilang mag-survive sa tindi ng init ng araw? Matitiis kaya nila ang pagkauhaw sa beach? Naku, life’s a beach nga talaga pero kung sina Warren at Nicole naman ang kasama mo, masarap magbabad dito at mag-clik ng kamera.

Guesswhodoes
by Mica Rodriguez

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.