GSIS, SSS at ECC: Ibigay ang Benepisyo – SC

INATASAN NG Supreme Court (SC) ang GSIS, SSS at Employees Compensation Commission (ECC) na ipagkaloob ang nararapat na benepisyo sa mga empleyado nito.

Base sa walong pahinang desisyon ng 2nd Division ng Supreme Court, pinagtibay ang naunang ruling ng Court of Appeals (CA) na nagkaloob ng death benefits sa pamilya ng isang metro aide ng MMDA na si Bernardo Alcaraz.

Si Alcaraz ay naging empleyado ng MMDA sa halos 29 taon at noong 2004 ay nakitaan ito ng pulmonary tuberculosis and community acquired pneumonia kaya’t na-confine sa Ospital ng Makati.

Ngunit noong Enero 15, 2005 umano ay nakita itong walang buhay sa basement ng MMDA building.

Samantala, sa kabila ng matagal na pagtatrabaho sa gobyerno, walang nakuhang death benefits ang pamilya ni Alcaraz mula sa GSIS dahil wala anilang kinalaman sa trabaho ang pagkamatay nito.

Sa ngayon, umaapela ang pamilya nito sa ECC na kumatig naman sa desisyon ng GSIS kaya’t iniakyat ang kaso sa CA na bumaligtad sa desisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.