Grupong Migrante International, Sumugod sa OWWA

SUMUGOD SA tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administrarion (OWWA) ang grupong Migrante International kasama ang ilang kamag-anak ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East.

Bukod sa pagpapahayag ng pangamba sa nalalapit na deadline sa pagpapatuloy ng panghuhuli ng Saudi government sa mga undocumented migrant, panawagan din nila ang pag-deploy ng medical team para suriin ang mga stranded na OFW roon.

Kasunod na rin ito ng panibagong kaso ng Middle East Respiratory Syndrome coronavirus.

Sinabi ni Migrante International Chairperson Garry Martinez na hindi sapat na abisuhan lamang ang mga OFW na mag-ingat.

Nasa 1,000 pa rin anya ang OFWs na stranded sa Riyadh, 5,000 sa Jeddah at 150 sa Jordan.

Panawagan ng nasabing grupo sa OWWA na paglaanan ng budget ang medical assistance sa umuuwing OFWs.

Samantala, sinabi ni OWWA Administrator Carmelita Dimson, iparara-ting nila sa Health department ang medical attache at tiniyak na tinutulungan ang mga umuuwing kababayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.