Grupo nina Kim Chiu at Erich Gonzales, may sina-cyber bully rin?!

BLIND ITEM. KUNG TOTOO ANG ibinulong sa amin ng aming reliable source eh, siguradong bale-wala ang pinag-uusapang marriage proposal ng isang hunk actor sa isang young sexy actress.

Why?

Dahil ang sabi sa amin, may asawa na raw si hunk actor na naka-base sa Dubai. Sa Bulacan daw sila ikinasal nu’ng hindi pa sikat si hunk actor at nagkaroon daw sila ng isang anak.

As of the moment eh, inaasikaso raw ng hunk actor ang annulment ng kanyang kasal sa kanyang non-showbiz girl pero ang latest na balita eh, mukhang malabo raw mangyari ang annulment this year.

Kapag nalaman ito ni young sexy actress, sigurado, mawawala ang angelic smile sa kanyang face. Excited pa naman siya sa kakaibang marriage proposal na gagawin sa kanya ng kanyang boyfriend next month sa isang very exotic na lugar… getz?

PAGKATAPOS NG AMPALAYA Anonymous, may bago na namang grupong binuo sa cyber space kasama sina Kim Chiu and Erich Gonzales.

Ang name ng kanilang group? Churigogobaschu.

May iba pang kasama sina Kim and Erich sa group na mga young female stars at ang pangalan ay nabuo based from their names.

And just like Ampalaya Anonymous, ang sabi sa amin e, may inaaway rin daw silang female star sa cyber space. Hindi pa malinaw sa amin ang tunay na dahilan pero involved daw ro’n si Erich.

Isang araw, siguradong sisingaw rin ang katauhan ng girl na kanilang inaaway dahil may pagka-blind item pa raw ang dating nito sa cyber space.

Baka naman love triangle na naman ang dahilan ng mga parinigan na ‘yan, ‘di kaya?

Hmmm… ibang level na nga talaga ngayon ang tarayan ng mga young stars dahil kung dati-rati e, sagutan in print ang drama ng mga nag-aaway na mga stars, ngayon naman e, sa internet na sila nagpaparinigan.

At dahil du’n e, nagkakaroon din ng chance ang mga fans and cyber observers na makisawsaw sa discussion ng kanilang tarayan, hendehvah? Sosi na talaga ang tarayan ngayon ng mga stars.

HETO ANG LATEST sa nangyayaring sibakan ng show sa Focus Entertainment at para na rin sa mga supporters ng Daisy Siete.

Una, hindi naman daw pala tuluyang mawawala ang naturang serye after ng season na ito kaya lang, malilipat ito sa ibang channel, sa QTV11. Bukod du’n e, mapapalitan din ito ng time slot.

Okay na rin ‘yon dahil ang mahalaga e, hindi ito totally mawawala sa ere.

Pangalawa, may bagong dance show ang Focus Entertainment na ie-ere sa GMA-7.

Nope. Hindi ito ang ipapalit sa time slot ngayon ng Daisy Siete dahil ‘yon daw ang ilalabas araw-araw bago mag-Diz Iz It! Naiibang reality dance show raw ito na pangungunahan ng mga bagong Sex Bomb girls at ng Dance Focus.

Pero heto ang nakuha naming latest balita. True kaya na ang Diz Iz It! ang papalitan ng reality dance show ng Focus Entertainment?

Binigyan daw kasi ng ultimatum ng GMA management ang pamunuan ng Diz Iz It! na kapag hindi pa rin ito umalagwa sa rating this month e, mapipilitan daw ibigay sa iba ang time slot na ‘yon… hmmm!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous article‘Pag ‘di nasabihang maganda ang make-up: TV host, ‘di nagbabayad sa make-up artist!
Next articleSopas ni Jon Avila!

No posts to display