Grupo ni Cedric, kinasuhan
Rape Case ni Deniece, Dinismis

TULUYANG IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong rape kontra sa TV host-actor na si Vhong Navarro na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Ito ay dahil walang nakitang probable cause ang panel of investigators ng nasabing ahensiya.

Bukod dito, pinakakasuhan din ng DOJ ang grupo nina Cedric Lee at Cornejo dahil sa pambubugbog kay Navarro. Kasama sa mga pinakakasuhan ay sina Bernice Lee, Zimmer Raz, Jose Paulo Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.

Base sa 42-pahinang resolusyon na nilagdaan ni Assistant State Prosecutor Olivia Torrevillas, hepe ng panel of prosecutors, nakakita ng probable cause para kasuhan ng paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o serious illegal detention at Article 286 o grave coercion ang grupo ni Lee.

Tatlong elemento umano ng kasong serious illegal detention ang nakita sa reklamong isinampa ng aktor, kasama na ang deprivation of liberty o pagkakait ng kalayaan at infliction of serious physicial injury.

Kasama rin sa kasong i-pinasasampa laban sa pitong respondent ang reklamong grave coercion dahil pinilit umano si Navarro na pumirma sa blotter nang labag sa kanyang kagustuhan.

Bukod naman kay Torrevillas, kasama rin sa may hawak ng naturang kaso sina DoJ prosecutors Hazel Decena-Valdez, at Mari Elvira Herrera.

Maaalala na naganap ang umano’y pambubugbog ng grupo ni Lee kay Navarro noong Enero 22, 2014 sa condominium unit ni Cornejo sa Taguig.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.