Grupo ni Atong Ang, Ginagamit si P-Noy sa Iligal na Sugal

NAKIKIPAG-USAP UMANO ANG isang grupong diumano’y pinamumunuan ni Charlie “Atong” Ang, ang gaming consultant na nahatulan sa kasong bribery, sa mga lokal na opisyal at mga financier ng sugal na magsagaw ng isang iligal na number game, ayon sa isang police official na tumangging magpakilala.

Ayon pa sa nasabing opisyal, ginagamit umano ni Ang at ng grupo nito ang pangalan ni Pangulong Benigno Aquino III para makuha ang suporta ng mga gobernador, mayor, provincial borad member at mga konsehal sa munisipyo.

Ipinagyayabang din umano ng grupo na may basbas ng tiyuhin ni P-Noy na si Peping Cojuangco ang nasabing iligal na gawain, ayon pa sa source.

Sinabi pa ng source na gagamitin ng grupo ni Ang ang resulta ng larong jai-alai na gagawin sa Sta. Ana, Cagayan para malaman ang mananalong kumbinasyon ng numero sa nasabing iligal na sugal na walang ipinag-iba sa jueteng.

Ayon sa opisyal, hiniling ng grupo ni Ang sa mga lokal na gobyerno na magpasa ng rosolusyon para sa pagtatayo ng frontons, o betting stations para sa jai-alai, sa mag nasasakupan ng mga ito kaplit ng milyong pisong payola kada buwan.

Sinabi nito na ang gagamitin ni Ang ang prankisa nakuha ng Meridien Vista Gaming Corp. mula sa Cagayan Economic Zone Authority para pansamantalang patakbuhin ang “virtual jai-alai games.”

Gagawin umano ito para magmukhang ligal ang kanilang operasyon at para makaiwas sa mga raid ng pulisya.

Nakakuha pa umano ng impormasyon ang police official na sa halip na two-number combination, gagamit umano ng four-number pattern ang grupo ni Ang sa mananalong taya. Kumbinasyon umano ito ng jueteng, lotto at jai-alai, at nais ng grupo na lumikha ng bagong numbers game.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.