Grupo ng teenstars, inaabot ng madaling-araw sa inuman!

MAY NAGTIMBRE SA amin na siyang nakasaksi sa pangyayari na totoo palang sinuntok ng tatlong beses sa dibdib ng anak ni German Moreno na si Federico Moreno ang unti-unti nang sumisikat na comedian/host na si Shalala sa mismong taping ng Master Showman ng magkasalubong ang mga ito sa hallway ng GMA-7.

Isa lang daw ang sinabi ni Federico nang suntukin nito si Shalala. “Ikaw, ha? Bakit mo bina-blind item si Shaina at si Papa (Kuya Germs)?” sabay suntok ng tatlong beses sa dibdib ng komedyante, sabay alis.

Hindi na raw nagawa pang magsalita ni Shalala sa pagkabigla sa pangyayari, ayon na rin sa aming source. Konti lang daw ang nakakita sa nangyari kaya naman hindi kaagad ito kumalat.

Tsika pa ng aming source, kitang-kita nito ang galit sa mukha ni Federico, kaya naman napakalakas ng tama ng bawat suntok nito sa dibdib ni Shalala, kaya naman daw namula ang host/comedian na ‘di na pumasok sa loob ng studio 5 kung saan nagti-taping ang Master Showman, hangga’t nandoon si Federico.

Dagdag pa ng aming source na habang nasa studio si Federico ay nanatili si Shalala sa dressing room at tsaka na lang lumabas at pumasok sa studio 5 nang umalis na ang anak ni Kuya Germs na parang walang nangyari.

ANO KAYA ANG feeling ni Arnel Ignacio sa kumakalat na balita na bukod sa kanya ay may iba pang idini-date na bading ang kanyang apple of the eye na si Suzuki Sadatsugu? Namataan kasi itong na nagsha-shopping sa Glorietta, Makati, kasama ang isang rich gay.

Bida pa ng aming source, sigurado siya na ibang bading ang kasama ni Suzuki at hindi ang host/comedian/entrepreneur dahil maputi ito at ‘di moreno na siyang kulay ni Arnel. Tsika pa nito na bitbit-bitbit ni Suzuki ang ‘di mabilang na ipinamili nito sa nasabing mall.

Dagdag pa ng aming source na kitang-kita raw nito ang kasiyahan sa mukha ni Suzuki habang nililibot ang Glorietta, kasama at kausap ang mayamang bading. Hindi kaya ito rin ang isang dahilan kung bakit bihira nang sumagot sa mga text at tawag ni Arnelli ang Pinoy-Japanese hunk actor? At ito rin ang dahilan kung bakit hindi na nakikipagkita si Suzuki kay Arnelli? Well, ‘yan ang ating aalamin!

BLIND ITEM: SINO naman itong mga miyembro ng kabataan mula sa isang artista search ang napapabalitang napapadalas ang pag-gimmick sa gabi na inaabot ng medaling-araw sa iba’t ibang bar sa Quezon City. Grupo raw kung rumampa sa gabi ang naturang mga bagets stars ng isang higanteng TV network.

At kahit nga raw mga teens pa ang mga ito ay grabe kung uminom at talaga namang pansinin dahil sa sobrang ingay ng mga ito kapag sobrang lasing na. At dahil nga mga artista, hindi sila nakaligtas sa mga mapanuring mata ng ibang mga taong gumigimik doon.

Hindi lang daw isang beses kundi palaging namamataan sa gimikan ang naturang mga bagets, dahil siguro sa kawalan ng trabaho, kaya naman ang pagba-bar hopping na lang ang kanilang pinagkakaabalahan. At dahil nga hindi purong Pilipino ang karamihan sa kanila kaya naman sobrang wild ang mga ito at walang pakialam kung may makakakita sa kanila.

Ang tanong, alam kaya ito ni Big Bro? At ‘pag nalaman kaya ito ni Big Bro, hindi kaya sila mapatalsik sa bahay nito? At higit sa lahat, alam kaya ng kani-kanilang magulang ang pinaggagagawa ng kani-kanilang anak? ‘Yun na!

WALANG PALIGUY-LIGOY AT prangkang sinagot ng star ng Little Star na mapapanood na sa Oct. 25, sa Dramarama sa hapon ng GMA-7 na si Rich Asuncion na totoong lumalabas-labas sila ng lalaking napapabalitang boyfriend nito na si Aljur Abrenica.

Inamin din nitong lagi silang nagti-text at nagtatawagan. Kuwento ni Rich na wala naman daw masama kung makita silang magkasama along with their friends sa mga lakad nila ni Aljur dahil magkaibigan naman sila.

At kung nag-uusap naman daw sila sa phone o mag-text, ang kani-kanilang trabaho ang kanilang pinag-uusapan. At kahit nga lantad na lantad na ang katotohanan sa kanilang relasyon, wala pa ring pag-amin na namutawi sa bibig ni Rich.

Tsika pa nito, hindi niya raw boyfriend at naging boyfriend si Aljur. Purely friendship lang daw ang kanilang pinagsasamahan, wala naman daw sigurong masama kung lumabas-labas silang magkakaibigan. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

7 thoughts on “Grupo ng teenstars, inaabot ng madaling-araw sa inuman!

  1. eh ano naman kung gumigimik sila? Pera nyo ba ginagastos nila? May sariling buhay din sila no. Lahat naman may karapatang gumimik. Tsaka ang engot naman ng writer. Paano sila mapapatalsik sa bahay ni kuya? Eh matagal ng wala sila sa pbb house.

  2. ung mga BI..cla James,anne li,ryan bang,richardgumigimik sila lagi.ay grabe sila..yan ung walang parental guidance.

    • sows. di naman mga pinoy yan kaya irespeto na lang trip nila. basta ba nagbabayad eh. di rin naman nangutang o nanghingi ng pambayad nila kay swarding.

    • Ikaw na namang tanga ka! BOBO ka ba o BOBO ka lang talaga! May poor ka pang nalalaman dyan. Kung meron mang poor eh yung utak mo! Palibhasa utak ampaw ka! Engot aka Pampam aka AWWW aka Parazzi Viewers Maniac. In fairness ha, hindi mo na ginagamit ung last 3 alias mo ha. Dahil buking ka na. TANGA ka!

      • Yun lang ba ang request mong baklang balugaw,na saksakan ng DUWAG ..

        masya ka ng BAKLANG BALUGAW NA DUWAG !!!

        whahaha poor !!

Leave a Reply

Your email address will not be published.