Grupo ng mga Estudyante, Dumulog sa SC Kontra Tuition Hike

HIHINGI NG saklolo ang grupo ng mga estudyante sa Supreme Court (SC) para pigilan ang pagtataas ng matrikula ng mga kolehiyo at unibersidad na inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHEd).

Sinabi ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) na naghain sila ng petisyon sa Korte Suprema kahapon para harangin ang tuition hike at umaasa silang agad itong maaaksyunan.

Milyon-milyon na ang kinikita ng maraming kolehiyo at unibersidad pero patuloy pa rin ang pagtaas ng matrikula, giit ng natu-rang grupo.

Maaalala na 354 na kolehiyo at unibersidad ang inaprubahan ng CHEd para magtaas ng 8.5% sa matrikula o P35 sa bawat unit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.