Grupo ng mga Botante, Inambus; 1 Patay, 6 Sugatan

ISA ANG nasawi at anim ang nasugatan matapos tambangan ang grupo ng mga bo- tante sa Sitio Kansiron, Brgy. Tiptipon, Panglima Estino, Sulu kamakailan.

Sinabi ni Chief Insp. Kris Conrad Gutierrez, tagapagsalita ng Sulu Provincial Police Office na patungo sa presinto para bumoto ang grupo ng barangay chairman ng Barangay Gaguil, Panglima Estino na kilalang tagasuporta ng isang kandidato sa pagka-alkalde nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin.

Samantala, sa Tongkil, Sulu naman, pinau-lanan din ng bala ang isang grupo ng mayoral candidate na paalis na sa polling center.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.