Grupo ng Kabataan, Nagprotesta VS Cybercrime Law

NAGSAGAWA NG kilos protesta kontra sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang grupong Akbayan-Youth sa Welcome Rotonda, Quezon City.

Nagladlad sa footbridge ng isang malaking itim na banner na may nakasulat na ‘Defend Internet Freedom’ ang mga kabataang raliyista.

Nagbitbit din ng mga laptop ang mga nakiisa sa nasabing protesta kung saan naka-flash dito ang kanilang panawagan.

Sinabi ni Akbayan National Youth spokesperson, JC Dejano na nananawagan sila sa mga kabataan na sumama sa pagtatanggol sa kalayaang magpahayag gamit ang internet na kailangan sa lumalagong demokrasya.

Naniniwala ang naturang grupo ng mga kabataan na pakikinabangan lamang ng mga pulitiko ang nasabing batas para patahimikin ang kanilang mga kritiko.

Kung hindi tuluyang idedeklarang unconstitutional, hiling ng mga raliyista na amyendahan ang probisyon nito para anila matanggal ang mga labag sa Saligang Batas na nilalaman nito.

Samantala, binatikos din ng grupo si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa pagsuporta sa nabanggit na batas kasabay na rin ng panawagang muling ikonsidera ang posisyon nito at pakinggan ang taumbayan na amyendahan ang batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.