Grupo ng Bloggers at mga Propesor, Naghain ng Ethics Complaint VS Sotto

ILANG PROPESOR at bloggers ang naghain ng complaint sa Senate Committee on Ethics and Privileges laban kay Senator Vicente “Tito” Sotto III dahil umano sa plagiarism at paglabag sa Intellectual Property Code.

Nilalaman ng reklamo ang 21-pahinang ethics complaint sa senador, 36 na indibidwal ang naghain nito kasama ang isang grupo ng bloggers.

Dapat umanong bigyan ng kaukulang disciplinary action ang senador dahil sa pagkopya ng 8 beses sa mga blog na walang attribution para gamitin sa tatlong priviledge speeches nito. Kasama rito ang isang beses na pagsalin sa ilang bahagi ng speech ni dating US Sen. Robert Kennedy sa Tagalog nang walang pahintulot.

Kasama sa complainants sina University of the Philippines (UP) Center for Women’s Studies (CWS) Director Dr. Sylvia Estrada-Claudio, dating De La Salle University (DLSU) College of Liberal Arts Dean Dr. Antonio Contreras, Ateneo de Manila University (ADMU) Political Science Department Assistant Professor Dr. Lisandro “Leloy” Claudio at Filipino Freethinkers, Inc. President Red Tani.

Nais din nilang linawin na hindi dahil sa Reproductive Health (RH) Bill ang pagsampa nila ng complaint. Ngayon lamang umano sila naghain ng reklamo dahil hinintay nila ang apology ni Sotto. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.