Grupo, Dismayado sa Bawas-Singil sa Tubig

BINATIKOS NG Water for All Refund Movement ang anila’y napakaliit na halaga ng ibababang singil sa tubig sa Abril 1.

Ayon kay RJ Javellana, pangulo ng naturang grupo, kakarampot lang ang magiging pagbaba sa singil sa tubig na P0.44 sentimos kada cubic meter ang tapyas ng Maniala Water, habang P0.16 sentimos kada cubic meter sa Maynilad, na ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay bunga ng paggalaw ng foreign currency differential adjustment (FCDA).

Sinabi pa ni Javellana na kaya tumataas ang singil sa tubig ay dahil sa mga proyektong hindi pa naipatutupad o nagagawa ay sinisingil na agad sa mga kustomer.

Ayon kay Javellana, malinaw sa concession agreement na bawal mangolekta nang hindi pa naisasakatuparan ang mga proyekto.

Iginiit naman ni Atty. Emmanuel Caparaz, Chief Regulator ng MWSS, na sumusunod lang sila sa concession agreement kung saan ibinabase ang pagbaba ngayon sa galaw ng FCDA.

Gayunman, ipinaliwanag rin ni Caparaz na nasa panahon ngayon ng rate rebasing ang MWSS kung saan sa ginagawang pagsusuri, posibleng hindi gumalaw o posible namang tumaas o bumaba ang taripa.

Samantala, nakapaloob din aniya sa pag-aaral sa rate rebasing ang ini-rereklamong paniningil sa mga proyektong patubig na hindi nasisimulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.