Groom, pinatay na, pinutulan pa ng ari

 

PATAY ANG isang ‘groom’ matapos hampasin ng bato sa ulo, laslasin ang lalamunan at pinutol pa ang ari sa Silay City, Negros Occidental. Natagpuan ng mga residente ang duguang bangkay ng biktimang si Teofilo Saquite, 52-anyos at residente ng Hacienda San Ramon, Brgy. Guimbalaon, lungsod ng Silay kahapon ng umaga.

Nakatakda sanang ikasal ang nasabing biktima bukas sa 19-anyos na dalagang may problema sa pag-iisip.

Napag-alamang ginalaw nito ang naturang babae ngunit na-settle naman ang problema matapos pumayag itong panagutan ang nangyari sa kani-lang dalawa at upang maisalba sa kahihiyan ang pamilya ng dalaga.

Sinabi naman ni Sherly Gallano, ina ng nasabing dalaga, nag-inuman pa sila kamakailan kasama ang biktima sa karatig na hacienda at bandang alas-8 na ng gabi umuwi.

Habang nasa daan ay may biglang humila kay Saquite sa loob ng tubuhan at narining na lamang nila na nagsisigaw na ito at inuutusan na silang tumakas.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng Silay City PNP upang matukoy ang suspek at motibo sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Groom, pinatay na, pinutulan pa ng ari

Leave a Reply

Your email address will not be published.