Groom, patay sa aksidente; bride, gustong ituloy ang kasal

KALUNUS-LUNOS ANG sinapit ng dalawang sakay ng motorsiklo sa Cauayan, Isabela matapos salpukin ng truck noong Oktubre 25.

Patay ang driver na si Ronick Bacud na ikakasal sana noong Oktubre 27 gayundin ang angkas nito na abay naman dapat sa kasal na si Jay-ar Teñoso.

Labis ang kalungkutan at paghihinagpis ng pamil-ya ng mga biktima dahil sa nangyaring taksidente, pero ang kasintahan nitong si Geraldine Teñoso, gusto pa ring ituloy ang kasal kay Bacud.

Ayon kay Geraldine, hangad niyang matuloy pa rin sana ang plano nilang kasal ng kasintahan kahit patay na ito.

Sa burol, inilatag ang mga regalo, souvenir items, cake at wedding ring para sa mga ikakasal.

Samantala, hindi naman pumayag ang pastor sa kagustuhan ni Geraldine at sa halip ay binendisyunan na lang ang labi ng nobyo nito.

Ayon naman kay Geraldine, patuloy pa ring nagpaparamdam sa kanya ang yumaong kasintahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.