Grocery ng pulis, natupok

AABOT SA P2M halaga ng ari-ariang natupok matapos masunog ang grocery na pag-aari ng isang pulis sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi nang magliyab ang Domingo Grocery sa Sampalukan St., Camarin ng lungsod na pag-aari ni SPO4 Dicordoso Domingo.

Mabilis na kumalat ang apoy kung saan wala namang naiulat na nasugatan o nasawi.

Inaalam na kung ano ang pinagmulan ng sunog na naapula dakong alas-12:45 ng madaling araw.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.