GRO, Sinundan ang Pagpapatiwakal ng BF

PATAY ANG isang 28-anyos na guest relations officer (GRO) matapos itong magbigti sa tinutuluyang bahay sa Barangay San Farcisco sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Nakilala ang nasabing biktima na si Melva Durabal, nagtatrabaho sa isang disco bar sa naturang lungsod.

Lumalabas sa report mula sa San Fernando City Police Station, natagpuan na lamang ng kanyang 56-anyos na ka-live-in na si Benny Bambico ang biktima na nakabitin ang katawan sa loob ng kusina ng bahay gamit ang isang lubid na nakatali sa leeg at bubungan.

Ayon umano sa salysay ni Bambico sa pulisya, huli niyang nakita na buhay ang kasintahan na umiinom ng alak.

Bakas din umano sa kanyang mukha ang kalungkutan dahil sa sinasabing pagpapatiwakal ng dati nitong boyfriend.

Ito umano ang maaa-ring naging dahilan upang kitlin ng biktima ang sarili nitong buhay at sundan ang dating nobyo sa hukay.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad at ipinasailalim na rin sa awtopsiya ang bangkay ng GRO upang malaman ang tunay na pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.