GRO, ginahasa at pinatay sa loob ng motel

RIZAL – HUBO’T HUBAD at wala nang buhay ang isang babae nang madiskubre ng lodge attendant matapos na gahasain umano ng tatlong lalaki kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Tanay.

Kinilala ni Tanay chief of Police P/C. Insp. Rizaldy Aquino ang biktima na si Grace dela Cruz, 23 anyos, dalaga, residente ng Manila East Road, Brgy. Plaza Aldea ng nasabing bayan.

Sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-5:00 ng madaling-araw sa Singapore Lodge na matatagpuan sa Sitio Bukal Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal.

Nabatid na kinatok ng attendant na si Alma del Barrio ang kuwarto para ipaalala na tapos na ang oras nila ngunit walang sumasagot kung kaya’t sapilitang binuksan at nadiskubre ang bangkay.

Nabatid pa sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ng sunduin ng tatlong lalaki ang biktima at nag-check-in sa nasabing lodge na magkakasama.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang Tanay PNP para matukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong salarin.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.