Gringo, Jinggoy, dumipensa sa bagong kaso ng PDAF scam

TODO ANG depensa nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Gringo Honasan sa panibagong  pagkakasangkot nila sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam.

Ito’y matapos lu-mabas ang report na nasa kabuuang P150 milyon na pork barrel fund ng nasabing mga mambabatas ang napunta sa mga  bogus na non-governmental organizations  (NGOs) sa binuong kasunduan sa pagitan ng local government  units at Department of Agrarian Reform (DAR) para sa agricultural livelihood packages noong  2011.

Kapwa inihayag nina Estrada at Honasan, kailangan pa nilang alamin kung talagang mayroon silang pahintulot na maglabas ng pondo para sa nasabing mga proyekto.

Pero binigyang-diin ng mga ito na  kung mayroon man silang endorsement, ito ay para tukuyin lamang ang LGUs at wala silang karapatan para pumili ng NGOs na paglalaanan ng nabanggit na pondo.

Samantala, ang pangalan ng dalawang mambabatas ay una na ring nasangkot sa multi-bilyong peso pork barrel fund scam na kinasasangkutan ng umano’y pekeng mga foundations ni Napoles, katunayan si Estrada ay kabilang sa nahaharap sa kasong Plunder sa Ombudsman kasama ang iba pang senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.