Gretchen, magpapaka-jologs para kay Cristine!

 

SUMAGOT NA SI Gretchen Barretto sa nais na pakikipagkaibigan sa kanya ni Cristine Reyes. Sa kabila ng pahayag ng isa sa bida ng pelikulang No Other Woman na hindi niya nakikita ang sarili bilang kaibigan ng aktres dahil siya’y jologs. Sey ni Gretchen na natutuwa siya sa mga jologs at gusto rin niyang matuto sa mga ito. Ga’nun talaga ang eksena ng lola n’yo, huh! Hehe!  Makatagal kaya ang sossy girl kung sakaling magpaka-jologs kasama ang dear sister ni Mareng Ara Mina? Samantalang may pagka-high class din ang kanyang susunod na teleserye sa ABS-CBN na Alta kasama sina Angelica Panganiban at KC Concepcion. Naku, baka lalong mawalan ng pag-asa niyan si AA dahil focus na naman si La Greta sa pagka-sosyalera sa nasabing bagong serye. Magkaroon pa kaya ng bonding moment ang dalawa?

Photos by Ronnie Bernaldo, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Gretchen, magpapaka-jologs para kay Cristine!

Leave a Reply

Your email address will not be published.