Gretchen Ho, ginawang “kalokohan” ang pag-walk out sa isang TV interview

NAGING usap-usapan ngayon sa social media ang pag-walk out ng dating volleyball star ng Ateneo Lady Eagles at host ng “Umagang Kay Ganda” na si Gretchen Ho sa panayam niya sa “Down The Line” Episode 9 ng ABS-CBN Sports.

Gretchen Ho

Nagtanong ang host na si Anton Roxas kay Gretchen ng may kaugnayan sa lovelife ng huli. Nilinaw umano ni Gretchen na bago pa man ang naturang panayam, iwasan muna ang mga tanong na may kaugnayan sa kanyang personal na buhay. Pero hindi naiwasang matanong ito sa kanya, kaya naman hindi niya ito nagustuhan. Dahil dito, biglang tumayo si Gretchen sabay walk-out ang beauty ng hitad. 

Nagulat ang mga host na sina Anton at Denden Lazaro sa biglaang pagwo-walk out ni Gretchen. Sabay sabi pa nila ng, “Dude, nakakahiya.”

Dahil dito, hindi maisip ng dalawang host kung bakit ganoon ang inasal ni Gretchen. Malalapit na magkakaibigan kasi ang tatlo.

Agad namang sinundan ni Anton, na hindi makapaniwala sa nangyari, si Gretchen sa dressing room.

Ilang minuto pa, bumalik si Gretchen sa kanyang panayam, sabay sabing “April Fool’s!” na sinabayan ng tawa.

Matatandaag nitong nakaraang buwan, kinumpirma ni Gretchen at ng host na si Robi Domingo ang kanilang hiwalayan.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.