Gretchen, cryptic about relationship with Tony Boy

WALANG NAIBIGAY NA sagot ang controversial actress na si Gretchen Barretto sa dalawang tanong sa ‘Tough Ten’ segment ng The Buzz. Ang unang tanong na hindi niya nasagot, ang kung merong isang lalaki na sasabihan niya ng mga salitang ‘don’t say goodbye to me’ sino at bakit. At ang pangalawa, kung sinabihan na ba siya ng kanyang groom-to-be ng tanong na ‘will you marry me?’

Hindi raw masagot ni Gretchen ang unang tanong dahil nag-goodbye na raw sa kanya ‘yung guy. Isa sa senyales, ang kataka-takang pagkawala ng mga bodyguard ni Gretchen na usually, laging nakabuntot sa kanya kahit nasa loob siya ng ABS-CBN compound during the promo of her first album sa Star Records.

“Hindi ko alam. Wala raw akong masabi. Pero hindi, sila pa rin. I know, as we talk now. Take it from me. I’m talking about now, ha? Every relationship, ‘di ba has low points and high points. Ah, Gretchen has never lied about,” diin ulit ni Kuya Boy.

May balita ring kasama ni Gretchen na pumunta sa Bohol bukod kina Pops Fernandez at BB Gandanghari, ang diumano ‘yung mataas na government official na nali-link kay Gretchen.

“Hindi ko alam. ‘Yun ang sagot niya, e. At kung meron man, igagalang ko. At kung sinuman siya hindi ko aalamin. Kung saan maligaya ang kaibigan ko, doon ako,” sabay tawa ni Kuya Boy.

Samantala, marami naman ang nagulat sa napakaseksing music video ni Gretchen para sa single niya na “Ready To Take A Chance” mula sa bago niyang album na Complicated mula sa Star Records.

Nu’ng ipinakita sa akin ‘yan for the first time….Hindi naman napukaw ang pagkalalaki ko. Sobra naman ‘yun,” biro ni Kuya Boy. Dagdag pa niya, “Pero may sindak factor coz it’s very sexy.”

For sure, magre-react si Tony Boy kapag napanood na niya ang music video ni Gretchen. “Hindi ko alam. Pero meron ako’ng ipinakiusap na iklian, bawasin ng konti. Bawas na ‘yun.”

Naku, baka hindi lang si Tony Boy ang mag-react sa music video ni Gretchen, huh! For sure, pati si high-ranking government official magre-react din d’yan.

LUMABAS NA NG ospital ang bagong panganak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano nu’ng March 25. Pangalawang anak na ito ni Grace after ng controversial na pagsilang niya sa anak nila ni Jolo Revilla na si Gab. Kaya ngayong tatlo na ang apo ni Osang, dalawa kay Grace at isang babae sa bunso niyag si Onyok.

Magkasama raw sa bahay niya si Grace at ang Arabo nitong boyfriend. Palitan daw ang mag-dyowa sa pag-aalaga ng kanilang baby.

Pinabayaan daw ni Osang na walang yaya ang kanyang ikatlong apo at ang mga magulang nito ang mag-alaga. Sa ngayon hindi pa rin daw magkasundo si Osang at ang mga magulang ng boyfriend ni Grace sa kanilang kasal.

“Dapat dalawang ceremony. Hindi pa kami magkasundo ng magulang siyempre. Pero gusto ko dalawa. Christian at saka Muslim. Si Grace ayaw magpa-convert sa Muslim. ‘Yun ang nagiging problema ayaw niya,” pahayag ni Osang sa post-dinner party after ng premiere night ng movie niya na Pasang Krus.

Samantala, nilinaw naman ni Osang na hindi sa kanya nanggaling ang tsika na si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang nagbigay ng bahay kay Jennylyn Mercado. “Naku, tigilan ako. Bakit naman ako’ng lagi na lang ba? Magturo naman sila ng iba. ‘Tsaka ‘yung mga tao huwag nilang i-deceived. Talagang ‘yang demonyo napakasinungaling. Kung sino ‘yung nagsulat noon, ‘yun. Siya ‘yun.

“Tigilan ako. Nananahimik ako sa bahay. ‘Tsaka hindi ko p’wedeng gawin ‘yun. Nasasaktan ko si Bong. Dahil meron kaming apo kung saan parehong dugo namin ang nanalaytay. Tigilan na nila ako.

“Hindi na nila alam kung paano nila ako sisirain. Kasi mentras pinapatumba nila ako, lalo ako’ng bumabangon. Hindi nila malaman kung ano pang sira ang gagawin sa ‘yo. Although, matagal na akong sira, gutay-gutay na, ‘Ni!

“Wala na silang sisirain. Pero dahil sa faith ko, hindi ninyo ako kayang itumba. Nand’yan si Lord, e. Pero kung wala akong Diyos siguro ano, patay na.”

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

2 thoughts on “Gretchen, cryptic about relationship with Tony Boy

  1. pa lord lord ka pa eh…mabuti naman at natauhan na si tony boy lakas kasi ni greta manghuthot ..topakin pa..kaya tama yan tony boy..suportado ka namin…kamusta nga pala bago alaga ni tony boy si janna san miguel ok yan sariwa..dalaga..at di laspag ..

Leave a Reply

Your email address will not be published.